Archive for December, 2006

Another New Year of Hope

Happy New Year! Another year had ended, another year had passed.  Another new year up ahead, another new year of hope.  Looking back, it was indeed a year of many ups and downs, of joys and sorrows.  It was another year of learning the various lessons of life, another year of mending broken pieces. 

Looking forward, may we all have a wondrous and prosperous new year.  Mabuhay!

No comment »

Ang Basag na Bote

Matagal na dapat itong entry na ito. Dapat naisulat na ito right after I attended another seminar tour in Davao City last November 17-19. Unfortunately, daming trabaho kaya nakalimutan na. Punong-abala…

Gayunpaman, gusto ko lang sanang ipahayag ang sama ng loob ko sa PAL noong mga panahong iyon dahil na rin sa kapalpakang nagawa ng mga tauhan nito. Aba eh akalain n’yo namang binasag ng kung sino mang mokong na ‘yun ang perfume ko. ‘Yun lang naman po, plain and simple. Ang pagkakamali ko, nakalimutan kong ilagay sa check-in baggage (sa Davao), hinarang ng mga mahuhusay na personnel, pinalagay as security item, at n’ung kukunin ko na sa Maynila eh basag na bote na lang ang ibibigay sa akin. Kakaiba. Anong gagawin ko sa isang basag na bote? Pasensya na raw, sabi ng mga nagsusumamong tauhan ng airport, dahil nabasag ang perfume ko. Paano? Dahil inihalo sa mga baril, nabasag. Puñeta. Katanga naman kung sino man ang salarin. Sumunod ka naman sa direksyon pero ginanun ka naman. Okay lang sana kung paubos na, kaso kabago-bagong bigay ng isang pinsan. Buhay. Pero hindi naman pala ‘yun ‘yung point ko. Sana naman, pakiingatan ang anumang mga bagay, maliit man o malaki. Maaring maliit na bagay pero lubhang nakakabwisit. Haaaaay. At para hindi na rin mag-init ang bumbunan ng mga tao…

Comments (2) »