Sa Ikalawang Pagkakataon
January 2007 - my first out-of-town trip this year, first time in Zamboanga. But not the first time na gagawa na naman ng katangahan ang kung sinumang baggage handler ng PAL. The entire trip was perfect – the people, the place, food (Sarap ng curacha at iba pang seafoods. The best!!!), culture, barter, etc. - not until I arrived in Manila
(again). Kung n’ung una e binasag ang perfume ko, this time e napagdiskitahan naman ‘yung hard-shell trolley bag ko. Talaga naman oo, dalawang malalaking tipak ang natikman ng aking kaawa-awang bag (na ilang taon ko na ring ginagamit patungo sa kung saan-saan).
Aba e hindi na dapat palampasin ito – so direcho ako sa opisina ng PAL para magreklamo. (At take note, may nakasabay pa akong nagrereklamo dahil puwersahan namang binuksan ang baggage niya at kinalaykay pa ang loob. Lupet talaga…)
So hayan na, reklamo na. Hiritan ka ba naman doon ng ‘e malutong po kasi talaga yang bag na ganyan’. Asus, sinisi pa ‘yung bag ko sa katangahang ginawa ng kesehodang empleyado n’yo. Sarap ihagis ng bag ko sa taong ‘yun para tuluyang mabasag na at makalabas na ako ng opisinang maluwag ang loob. (Pero siyempre, nagtimpi ako…) Naisip ko ring tiyak ang sarap ipasok nitong taong ito sa loob ng bag ko tapos e pasagasaan sa eroplano. At tapos e atrasan ulit ng nasabing eroplano. (Pero muli, nagtimpi ako…) Sa hinaba-haba ng pag-uusap, fill-up ng forms, reports, pirmahan ng mga papel, at kung anu-ano pa, para matapos na e pinabayaran ko na lang kahit kulang obviously ‘yung binayad nila…
Simula ng taon, simula na naman ng mga ganitong uri ng bagay. January pa lang, labing-isang buwan pa ang tatakbo. Mahaba pa ang biyahe…