Libreng Highlights at Powder
Finally, nakita ko rin ang sinasabi sa mga librong ‘the 8th Wonder of the World’ (when in fact e pito lang naman yata talaga…). Siyempre, walang iba kundi ang ating ipinagmamalaking Banaue Rice Terraces ng ‘Pinas. Iba talaga pag masulyapan mo ng harap-harapan ang mga terraces at hindi lang ‘yung makikita mo sa TV sa tuwing nagma-magic sing ka. Hehehe…
Last February 16-18, 2007 e nagpastol kami ng aming mga estudyante paakyat ng Banaue at Sagada. Second time ko na sa Sagada pero nandun pa rin ‘yung mystery at excitement ng lugar, aside from the usual alikabok via the makatagtag-jeep na Halsema Highway. Definitely, libre ang animo highlights pagtawid mo ng Banaue patungong Sagada and vice versa. At libreng powder din pala. Pero okay lang. Masaya naman. It’s worth the trip. Pagod, pero okay lang. Ang mahirap lang e magpastol ng 49 tupa/estudyante. Pero okay lang, bahagi ng trabaho. Hanggang sa susunod na pagta-topload mga bata…