Archive for March, 2007

Ducat For Senator

Heto na naman tayo.  Headline na naman bukas pihado ang mga hostage takers ng mga walang kamuang-muang (subalit tila nag-e-enjoy) na mga batang estudyante (ng daycare) sa loob ng isang bus sa kahabaan ng Taft Avenue malapit sa City Hall ng Maynila sa tapat ng mural ni Gat Andres Bonifacio.  Wala sanang problema kung ang mga hinostage e ‘yung mga walang kuwentang pulitiko ng ating bansa.  Dapat ang gawin nitong hostage taker na si Jun Ducat e papasukin lahat ang mga impokritong pulitiko sa loob ng bus tapos pasabugin na agad ‘yung bus.  Pihado marami sa ating mga kababayan ang matutuwa sa gagawing ito ni Ducat.  Ay kaya lang, baka hindi umubra.  Dahil hindi sila magkakasya sa isang bus.  Mga sampung bus siguro.  O higit pa…

Kung halimbawang tatakbo itong si Ducat sa pagka-congressman e baka iboto ko pa itong tao na ito.  Imagine, ang demand niya e edukasyon at pabahay para sa kanyang mga estudyante?  Lecheng mga pulitiko ng bansa.  Mga inutil at walang silbi.  Paulit-ulit na lang na problema ng ating bansa.  Ducat for senator.

Comments (5) »