Archive for December, 2007

Ang Gagong Taxi Driver

Ang sungit ni mamang drayber ha… December 20, 2007 alas-11 ng umaga, sa kahabaan
ng Pedro Gil…  Papunta ng SM Manila… Pumara ng taxi, pinasakay…

"Manong sa SM Manila lang," sabi ng pasahero. 

"Naku, ma-trapik d’un," sabi ng
mamang drayber, habang umaandar ng mabagal ang taxi.

"E manong iwas na lang tayo sa trapik," sabi naman ng pasahero.

"E sa’n tayo dadaan?  Trapik sa
Taft, trapik sa Romualdez. Baba na lang
kayo. Sakay na lang kayo ng ibang taxi,"
ang hirit ng drayber.

"Kaya may Oplan Isnabero Manong eh,"
ang bawi naman ng pasahero habang bumababa sa taxi.

"Eh GAGO ka pala eh, hindi ka
nakakaintindi," ang sabi ng bastos at walang
modong drayber
.

(Ang mga sumunod na pangyayari ay medyo maselan na para sa mga batang
mambabasa at para sa mga mahihina ang puso.)

Ang mga ganitong klase ng drayber ay dapat maturuan ng leksyon.  Plate number ng taxi: TWS-105.  Ang taong
nagtataglay ng mala-hayop na pag-aasal: isang mamang matandang tila walang pinagkatandaan. Palagay ko e magtutuos pa ang drayber at ang
pasahero sa tamang tanggapan.  Abangan na
lang natin ang mga susunod na kabanata…

Ang mga taga-UP, hindi basta-basta
pinalalampas ang mga ganitong klaseng elemento ng lipunan, tandaan nila ‘yan. Lalo pag tayo ay nasa tama at nasa
katwiran. Leche
siya…

Comments (3) »

One Day in 2007

Christmas 2007… One of my most memorable since
the time I became conscious of my consciousness (whatever that means). I was home alone, doing various stuffs,
running errands, cleaning the house from the eve of Christmas Day until around
2 a.m. the following day.  My noche buena?  One piece siopao asado (salamat
Chowking Sta. Ana!
) and one plastic bottle of gatorade.
Hahaha! Big time! Talking about austerity
at its extreme…

But reality check this time.  I have so many things to do and accomplish within
the shortest possible time.  I need
around two months break, not just mere two weeks. In fact, I need three ‘me’s’ – no, make it
four ‘me’s’, to finish everything.  I
need some kind of escape from this hectic world…

Hey, today is Christmas day. Count
all your blessings. Give thanks to the Higher Architect. Be with your loved ones this important
day. Make them feel that they are loved.
Say what you have to say. Do what you have to do.  Because maybe, just maybe, that the one day you are asking for could mean so much to that
one person in the end…

No comment »

‘Etong Sa ‘Yo

Kanya-kanyang pananaw lang ‘yan kung paano mo titingnan ang katatapos pa
lamang na mga maiinit na pangyayari sa lungsod ng Makati noong nakaraang Huwebes…

Maaaring tutol ka sa ginawa ng mga indibidwal ‘dun dahil sa kanilang
panggugulong isinagawa sa araw na ‘yun.  (Panggugulo nga ba talaga sa
kaayusan ng sistema?)  Sa kabilang banda, maaari rin namang saludo ka sa tapang na ipinamalas ng mga namuno
rito.  (Pagpupugay kina Lim at Trillanes?)  Siyempre, laking tuwa na naman
ng nakaluklok sa puwesto dahil sa naantalang pagtatangkang ito.  Ang
galing ng kapulisan at tangkeng ginamit sa gitna ng aksyon.
Nagpapatuloy ang mahigpit na pagkapit sa poder
ng kapangyarihan…

Kaya heto,
ano pa ba ang magagawa nating lahat kung hindi sama-sama na lamang tayong
magtiis hanggang sa susunod pang tatlong taon.  Magtiis tayong lahat sa
tinatawag na bulok na sistema… 

Comments (2) »