Mga Hayop Sila
Ingatan ang mga alagang aso’t pusa. Iwasan silang matapakan. Sa katunayan, huwag na huwag silang tatapakan. Dahil sa kagat o kalmot, pihado may paglalagyan ang bulsa mo. Walang duda cute sila sa malapitan at maging sa malayuan; pero pag kinagat o kinalmot ka na, hindi mo na maiisip ito. Magdidilim na lang ang mga paningin mo at iisipin mo na lang na mga hayop nga sila.
Malaking kita talaga para sa mga industriyang gumagawa ng mga gamot at panturok. Siyet, ang sakit ng braso ko…