Archive for June, 2009

Distrito Singko

Ako ay mula sa ika-limang distrito ng Maynila at isang lehitimong botante ng aming lugar.  Ang kinatawan ng aming distrito ay si G. Amado Bagatsing.  Ang aming kagalang-galang na mambabatas ay isa sa mga sumang-ayon para sa pagbubuo ng isang Con-Ass

 

Mabuti na lamang at nalaman na natin ngayon pa lamang ang mahalagang impormasyong ito.  Dahil pihado alam na nating lahat kung paano natin gagamitin ang ating mga boto sa darating na eleksyon

No comment »

Nood Tayo

Isang liham ang natanggap mula sa Sky Cable.  Ang nakasulat sa labas ng malaking sobreng kulay pula, “Sky Cable gives you More Channels, Features, Choices.”  Natuwa ako.  Binasa ang sulat.  Isang anunsyo at babala pala.  Nabwisit ako.  Ayon sa liham, “Please be advised that starting June 2009, we will implement an adjustment on your monthly subscription fees.”  Nalungkot ako.  Lintek na korporasyong ito.  Ang hirap na nga ng buhay, pahihirapan pa akong lalo.  Mula sa mga dating Php580 at Php635 kada buwan, na naging Php680 nito lamang mga nakaraang buwan, ngayon ay Php780 na ang babayaran ko! Pusang gala

 

Heto raw ang isang option para sa mga subscribers: Sky Cable Select Starter.  Pumili lamang ng mga channels na gusto at madalas mong panoorin sa bahay, simula Php280 lamang bawat buwan.  Okay sana.  Kaya lang mautak ang kumpanya.  ‘Yung mga walang kuwentang channel, ‘yun siyempre ang mura.  ‘Yung madalas mong pinanonood, ‘yun siyempre ang mahal.  Halimbawa, Star Movies Php100, Cine+Serye Php299, HBO Php350!  Pucha naman.  Idagdag mo pa ang Basketball TV Php100 at ESPN & Star Sports Php150.  Mahusay ang marketing.  Wala nga namang kawala ang mga manonood.  Oo nga naman, para makatipid eh di mag-Sky Cable Silver na lang tayo ulit na Php780 lang nga naman kada buwan.  Mga pantas at paham

 

Ewan ko ha, pero palagay ko para makamura ako, tanggalin na lamang kaya nila ang mga channels na ito: Arirang, NHK World, Saudi 1, Deutschewelle, Voice of America, GXTV, CEC, at maraming pang ibang hindi ko naman maintindihan madalas ang mga palabas.  Linsyak.  Ang lupit ng isang globalisado at kapitalistang mundo

 

Comments (2) »

Post This

A good ol’ friend quipped, “Jerome, ikaw na lang ang gumagamit ng friendster ngayon.  I retorted, “Ah ganun?  Okay lang.  Wala namang nagbabasa ng mga sinusulat ko sa blog eh. 

 

Made me think twice to post this simple exchange here.  That’s all.

Comments (4) »