July 31, 2009
· Filed under Television
Sa lahat ng mga utility companies na may kaugnayan sa bahay at buhay ko, wala na sigurong tatalo pa sa pagkatuso ng cable company na ito. Mantakin mong ang taas ng subscription fee nila gayong karamihan naman sa mga channels nila ay wala namang kuwenta. At ang dami pang kulang. Tapos pag magpapaputol ka ng subscription mo, totokahan ka pa ng disconnection fee na nagkakahalaga ng Php356! Walanghiya, kaya ka nga magpapaputol dahil wala ka ng pambayad sa kanila di ba? Malabo ang lohika ng mga kinauukulan.
Nakaraang Miyerkules, nagpunta ang mga magpuputol ng cable ko sabay kuha ng kanilang mahiwagang digibox (na siyang nagpapalinaw daw sa reception pero kumakain naman ng kuryente). Walang siningil na Php356. Mahusay.
Pero sa huli, mapagtatanto nating hindi na tayo mabubuhay sa kasalukuyang mundo nang walang cable sa bahay. Kung kaya’t nagpakabit muli ng cable sa iba namang kumpanya (na mas mura ang buwanang bayad). Ang problema eh walang makuhang local channels ang aming mahal na telebisyon. Ang isang pinagbibintangan ay ang digibox na sinaksak dati sa TV ko, maliban pa raw na baka sira ang TV ko. Pero paano ito, sira ang TV ko pero may mga nakukuha namang international channels? Parang hindi ako kumbinsido sa paliwanag. Lintek. Kung totoo man ang mga mokong na nagkabit ng bagong cable ko, ibig sabihin eh winasak ng digibox ang TV ko? Ang husay naman. Pero pwede ba talaga ito? O praning lang ako?
Sumunod na hakbang: tumawag sa ex-cable company para magtanong sa mga posibleng dahilan ng problema ko. Ang kanilang solusyon: sasadyain ng technican nila ang TV ko pero magbabayad daw ako ng Php356! Hahaha! Magaling. Mahusay ang plano ng mga tinamaan ng lintek. Nagpaikot lang kami. Sana ganito na lang sinabi nila sa akin dati: ‘Magbayad na lang po kayo ng Php356 para hindi po namin wasakin ‘yung TV n’yo at makasagap pa kayo ng mga local channels kung halimbawang magpapakabit kayo sa ibang kumpanya sa hinaharap’. Walanghiya, matapos kang gatasan nang ilang taon at magbayad nang buo nang walang pero-pero, heto ang ganti nila sa ‘yo. Mga walang pakundangan. Kaya hayun, hanggang ngayon eh hindi pa naaayos ang problema ko. Bwisit. At muli, inuulit kong sa lahat ng mga kumpanyang may kaugnayan sa bahay at buhay ko, ito ang isang kumpanyang hindi ko mapapatawad kung totoo ang haka-haka ko. Mga buwitre at ulupong.
July 29, 2009
· Filed under Weblogs
Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, isang mahalagang anunsyo para sa aking mga mag-aaral: Ang inyong Unang Mahabang Pagsusulit sa Kasaysayan ng Pilipinas ay magaganap sa Lunes at Martes (Agosto 3 at 4), parehong oras at silid. Pakisabihan na lamang ang inyong mga kaklase. Gamitin ang bakanteng panahon sa pagsasaliksik. Samakatuwid, walang klase ng Hulyo 30 at 31. Maraming salamat at paumanhin.
July 28, 2009
· Filed under Weblogs
Ang inyong guro ay nagpapaalala sa lahat ng kanyang mga mag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas na kukuha ng Unang Mahabang Pagsusulit ngayong linggo: mag-aral, at ikaw ay papasa; mag-aral ng mahusay, at magkakamit ka ng mataas na marka; o huwag mag-aral, at huwag ka nang umasang pumasa. Simple lang ang buhay. Gamitin ang inyong husay at talento. Matira ang matibay…
July 10, 2009
· Filed under Weblogs
There are so many things occupying my mind lately. Some good, but most of them not. Presently, I’m trying to figure out how to finish several book articles out of nothing. Nothing. (Deadline is July 15, 2009!) Three months were allotted to this project but time is not your friend when your head’s into a lot of work – and heaps of problems. Seemingly, I am able to write blog entries and frequently update my facebook status; however, I can’t start a thing or two doing the more serious stuff. Talk about focus and concentration…
Makes me think, from an American anthologist: “To concentrate too long on any one subject will cause the loss of perspective and a commonsense viewpoint.” Makes sense.
July 9, 2009
· Filed under Weblogs
At long last, after a month-long dispute with LG Electronics Inc., the company has finally decided to replace a defective DVD receiver system I purchased at Abenson Ermita (Robinsons Place) last May. That stubborn technician would’ve just wanted to repair the said equipment. Instead, I insisted that that item be replaced because I wasn’t able to use it even once. (It was delivered home but was never tested, unfortunately.) I would have moved heaven and earth for this one. I’ve been to D.T.I. several years back to file a complaint against an unscrupulous celfone agent. And this time, I was again prepared to head there for another round of good fight.
But hey, in the end, I got what I wanted. All’s well that ends well after all. ‘Life is good’ as that LG motto goes. I agree, sometimes…