Archive for August, 2009

Sa Bon Vivant Na Lang

Okay ito ha.  Ang sabi ng abogado ng ating mahal na pangulo eh walang dapat sisihin kundi ang media dahil sa paglaki ng isyu ukol sa paglamon at pagtoma na ginawa ng mga kagalang-galang na delegasyon ng mga Pinoy doon sa mga mamahaling restaurant sa New York.  Kasalanan pala ng media kung bakit nalaman ng taumbayan ang ginawang pagpapakasasa ng mga pinagpipitagan nating mga opisyales sa mga masasarap na pagkain doon sa kabilang ibayo.  Ito ay naganap habang si Juan dela Cruz ay nagugutom dahil walang maihain sa hapag-kainan at nagluluksa dahil sa pagpanaw ng isang dating pangulong kaiba ang pag-uugali sa kasalukuyang nasa poder.  At pusang gala, dalawang ulit pa pala itong ginawa.  Sa’n ka pa?

 

Lintek, bukas na bukas eh bibili ako ng pagkain d’yan sa Bon Vivant sa Robinson’s. Solb na ako d’un sa Chix o Babes in the Sea-ty.  Kakagutom ha…

No comment »

Panalangin Para sa Mga Kinauukulan

Manalangin tayo… “Bathala, kasihan mo nawa ng kaliwanagan sa pag-iisip, sipag sa trabaho, at pagmamalasakit sa kapwa-tao ang mga bumubuong kawani ng tanggapan ng Accounting ng U.P. Manila Huwag na sanang humantong pa sa pagdanak ng dugo ang lahat ng mga panggigipit na ginagawa sa aming mga guro, sampu ng aking mga kasamahan sa departamento Umayos sana kayong lahat na nand’yan, sapagkat hindi na kayo nakakatuwa at lubhang hindi na kami natutuwa…  Siya nawa. 

 

 

No comment »