Paki-Lagyan ng Dial Tone

Lintek na kumpanya ng telepono ito.  Naglinis ng mga kawad sa poste, kasamang nilinis ang mga dial tone ng halos isang buong lokalidad sa amin.  Dapat sa mga linesmen na gumawa nito eh putulan din ng ano, ng mga sweldo.  Napaka-iresponsable.  Ang laking perwisyo ng mga gumawa nito: isang linggong walang telepono at internet (at FB!) na kailangan ko sa trabaho…

 

Sabado (Setyembre 5) nang ginawa ang katangahan, Lunes (Setyembre 7) nang tinawagan ang kumpanya para iulat ang nangyari, Sabado (Setyembre 12) na ulit eh wala pa ring nangyayari.  Lunes (Setyembre 14), tumawag ulit.  Tatawag ka sa kanila, sasabihin ng mga sasagot na ‘pasensya na po’.  Ang gagalang.  Mga tupa.  Gan’un lang kasimple – pag sila ang nakagawa ng ganito, ‘paumanhin po’.  Pero pag ikaw, hindi nakabayad ng utang mo, putol ang linya mo.  At kahit ganito ang ginawa nila, asahan mong buo pa rin ang singil nila batay sa bill mo.  Mga tampalasan.  Nagngingitngit ako.  Grrrrrrrrrrrrrrrr.  Mag-iisip ka talagang mag-Bayantel na lang…

1 Response so far »

  1. 1

    sheila said,

    November 27, 2009 @ 5:24 pm

    Aaraaay na ko po tabitabi po, bad trip pala u sa araw na to sensya na binasa me senti nyo sir. Sept. 5 pa nagsimula ,birthday ko yun sana dinaan mo na lang sa dasal sa Quiapo nadoon me nang araw na yun …ha,ha,ha. Sir wag masyadong damdamin

Comment RSS · TrackBack URI

Say your words